Tuesday, November 27, 2007

Microbiology

Sabi ni Kuya Jerson (choirmate), "Ah! Si Ma'am Charity.. Oo, matututo kayo dun!" Sa isip-isip ko naman, "Basta terror, matututo at matututo kami, if we'll let and help ourselves learn with the aid of a terror teacher."

Ito na. Our class schedule for Microbiology and Parasitology is MTW (8:00am-10:00am). Wheew! Everyday, may at least isang quiz. Kahit discussion, may recitation, siyempre. That's part of the grading system, ika nga. Minsan, kapag natatawag ako, natitigilan na lang ako, may naiisip akong sagot, pero halu-halo. Nakadagdag pa sa hindi ako makasagot ang kaba ko. One time, napansin ni Ma'am, "Excuse lang ha, pero, kinakabahan ba kayo?" Ahahaha! Natawa na lang ako sa sarili ko, at napangiti. =) Siyempre sagot namin opo. Hanggang lumaon, ayos naman, maganda ang discussion, ang dami kong natututunan, lalo na ang pagiging maselan sa lahat ng bagay.

Since 2nd semester ng 2nd year college, maselan na ako. Makati, marumi, konting talsik ng unknown object, malagkit, nabasa, name it! Lahat may katapat na alcohol. Halos naliligo na nga ako sa alcohol eh. Minsan, pinagtatawanan na lang ako ng friends ko sa kung paano or kung gaano ako karami maglagay. Hmm.. Ganun talaga. Lalo na't lahat ng bagay contains microorganisms na pwede tayong magkasakit.

Let's go back to the topic...

So iyun nga. Mahirap kasi kapag nagkasakit. Kanina, tinuro ni Ma'am Charity and 3 types of hosts: Definitive, intermidiate and susceptible host. Definitive host, halimbawa, ikaw may capillariasis (worms), you defecate sa toilet bowl, pero rito sa example ko, sa dagat ka nag-defecate. Ngayon, yung egg ng worm, makakain ng fish at sa tiyan ng fish mabubuhay ang worm. Ngayon, ako kumain ng raw fish flesh na carrier ng worm. So, ikaw and definitive host, si fish and intermidiate host, at ako ang susceptible host. Nag-lecture pala ako. Dahil sa mga tinuro ni Ma'am kanina, madali nang magkahawahan. Kami pa namang friends, okay lang if sa same straw kami uminom. Just make punas and everything.

At sa huli kanina, sabi ni Ma'am Charity, "Malamang sa klaseng ito, matututo kayong maging maselan sa lahat ng bagay. Magiging maarte kayo sa katawan dahil ayaw mong magkasakit. Na nag-iingat ka lang." Kaya if ever may nanghiram sa iyo ng kung ano pa man, sabihin mo lang na ayaw niyong magkasakit at nagsisiguro lang kayo.

Malaking tulong ang Microbiology sa akin ngayon, and I guess, I'm gonna love this subject. Kahit puro bacteria, virus and parasitic intestinal worms ito. =)

No comments: